Wednesday, October 25, 2006

Tragic, but what can we do? haaay....

napanood ko kagabi sa 24 oras news sa gma ang isang istorya tungkol sa nanay na namatay sa calamba dahil allegedly, hindi raw inadmit ng ospital (calamba doctors yata) para paanakin. wala raw kasing pang deposito na 10,000 ang pamilya dahil 2,000 lang ang dala nung lalaki. tearfully, humihingi ng hustisya ang asawa dahil namatay ang asawa nya at bunso, leaving him with their four other kids.

nung kinuha ang side ng ospital, sabi nung isang babaing doctor, hindi totoo ang allegation. pagdating daw sa kanila, patay na ang bata. kailangan na lang raw operahan ang nanay para matanggal ang bata. ineesplika nya lang daw sa lalaki na private hospital sila at kailangan daw ang depositong 10,000 para sa operasyon. kung hindi naman daw nila kaya ang presyo, ilipat na lang daw nila sa provincial hospital ang pasyente, which they (the family) did.


then kinuha ng news reporter ang side ng provincial hospital. sabi ng isang doctor doon, namatay daw ang nanay kasi matagal bago naasikaso dahil sa paglipat lipat. MOREOVER, MANIPIS NA RAW ANG MATRIS NG NANAY DAHIL GAMIT NA GAMIT DAW ITO. APPARENTLY, 1 MONTH PA LANG SYA NA NANGANAK AT NABUNTIS ULI KAYA YUNG BUNSO NILA, WALA PANG 1 YEAR OLD. At hindi pa sya naka pag paprenatal bago yung delivery date nya.

nung simula kong napanood ang headline ng news item, asar ako sa ospital syempre kaya pinanood ko ang buong news. nung narinig ko na ang lahat ng side, lumabas na naman ang galit ko sa catholic church. sabi ko sana dinala na lang nila ang mag ina sa isang catholic hospital gaya ng ust. para makita ng mga pari at obispo ang epekto ng pagtutol nila sa family planning. sana napanood din ng pro-life ang news na yun. kung naturuan sana nang tama ang mag asawang iyon, e di sana na exercise nila mga options nila. gusto ko mang sabihin na "gago ang tatay. may 9 months sya para mag prepare ng pera para sa panganganak ng asawa nya, tapos nung manganganak na, 2 thou lang pera nya. gago pala sya e" ay hindi ko magawa kasi malaki ang probability na hindi nya alam ang ibang options nya pag hindi nya mapigil ang libog nya. ganun din ang nanay. kung alam nya lang na maari syang mamatay sa ginagawa nyang buntis ng buntis, e di sana nalaman nya paano makipag kantutan na hindi nabubuntis. e ungas ang simbahang katoliko, (except sa iilan gaya ni Fr. Percy Juan Bacani: see my previous post) kaya ganito tayo. di kaya sadyang ginagago ng simbahan ang mga tao nila kasi di ba, pag mahirap ang tao at wala na halos nakikitang pag asa, dasal na lang ang ginagawa sabay sabi "Bahala na"? well, ungas din ang gobyerno na natatakot banggain ang simbahan. e wala naman talagang masasabing catholic vote e. hay, kailan pa kaya mag presidente si lacson?

No comments:

Post a Comment

tell me what you think!